Sunday, July 26, 2009

AKALA KO ORAS KO NA..

its been quite a while since the last time i visited my blogspot..been so busy doing things which somehow i really dont enjoy..my work-full of pressures and stress..and that gave me a bad day staying in the hospital due to un explainable sickness and aches that i felt in my lower left abdomen and left side of my back.
i wont forget that day, the day that i thought would be my last day. (ano nga bang petsa yun?..) we were at the office preparing for our 5am call time on a taping around 11pm when my back starts aching and slowly affecting my lower left abdomen, i stopped working for a while thinking it was just an ordinary "ngawit" due to meetings, purchasing of props and doing some drawings and mock-ups. i rested and lied down on top of my officemate's table and it took me an hour before i got up coz it really hurts. i continued working but it starts aching again so my officemates decided to let me go home nalang and have a comfortable sleep daw.
it was already 1am and i have my car so i have to drive home with those aching abdomen and back...i didnt know how i drove home with that condition, all i remember is i was sweating the whole time im driving home and maybe because i was continously praying to make it.
i dont go to bed directly, hoping it would stop since im home na...and i was able to harvest my plants in farmtown for an hour pa, those aches didnt stop so i decided to go to bed but that worsen the scenario coz the moment i laid down, mas tumindi ang sakit and i cant moved, nobody in our house was aware about my condition until my wife heard me moaning, crying and vomiting..dahil di ko na kaya talaga sakit. everybody in the house were awaken and they dont know what to do, no one else in the house even know how to drive to bring me to the hospital, and we have to wait for my bayaw to come home around 6:30am before i was brought to hospital. (pregnant din kasi wife ko)
emergency room...the doctors checked everything on me, laboratories, ultrasound, my bladder, kidney, liver, prosthate, "luslos", weewee, etc...and the results...they are all negative, everythings fine and healthy and in good condition DAW! the only solution they gave me--PAIN RELIEVER.
i was not convinced on that results so we got a second opinion from a different doctor...the result?...ganun pa rin! buset! those pains were gone, i dont know if its because i rested or because of those pain relievers which i took only once..but still i considered some suggestions of going to a quack doctor, buti pa sya laging may results..a mild infection on my kidney and some dead people visiting me DAW...the medicine he gave me..drinking and bathing of boiled leaves of atis, guyabano and guava! ang galing nya, he never been to our house but all those plants were actually planted in my bakuran, and the last thing i should do is to have a mass for those dead people visiting me.
i never know what exactly gave me the best medicine or conclusion about those sakit that i experienced, sa ngayon ok naman ako. but sigurado ako PRAYERS do really helped me a lot! yun lang!... :)

Sunday, May 3, 2009

The Star Of All Gulays










The other day was another exhausting day for me in our house. We have our house renovation and extension, so everything inside the house is a mess…lipat dito, lipat doon is the constant movement inside, its labor day and yes, I was into work the whole day.
The only thing I enjoyed doing in the house is cooking, eto na yata ang pinaka-form of relaxation ko when im home. Though thinking of what to cook is always my dilemma.Since I was so tired of working the whole day in the house I decided on cooking TINOLA, easy to prepare and my children’s favorite -kinakain nila even the papaya.
But to my surprise, nawawala ang papaya na bigay lang ng kapitbahay ko…until I found out that it was in a plastic bag that I shoot in the garbage earlier that day dahil na rin sa mga kalat na tapon ako ng tapon.So in an instant, I became a scavenger, looking for food in the garbage. (buti nalang all the garbage are dried, mostly papers and plastic containers that I threw from my bodega.)
I easily found my precious papaya without them-my family knowing na hinalukay ko lang ito ulit sa basura. (hehehe)I prepared all the ingredients, onions, garlic, ginger, thawed the chicken got some sili leaves from my neighbor’s garden and the last one I peeled was the papaya, and when I sliced it, this is what I found…a star shaped hole inside!
I may be a mababaw kung iisipin, but I really was so amused with what I found! I been cooking tinola for so long and ngayon lang ako naka-encounter ng star shaped ang loob. And it was almost perfect in shape huh! I called my kids to let them see what I found and just like me lahat sila ay natuwa sa shape nito.
They don’t want me to cook it anymore co’z sayang daw..since I have two papayas, I agreed with them. I peeled and sliced the other papaya and guess what?….It also have a star shaped hole inside, not that perfect but a cartoonish star.
Nakakapang-hinayang sirain but my kids and I decided to let go of those two papayas…isipin nalang daw namin na we have them inside our stomach naman e, and that’s where we’ll keep them nalang. So I sliced them and let them swim in my tinola…masakit man sa loob naming mag-aama…we ate dinner and we enjoyed it naman talaga. Savoring the taste of our precious papaya…
Farewell to the STAR of ALL GULAYS!
We’ll surely miss you….huhuhu.

Friday, May 1, 2009

Magic Faces


Are you familiar with this so called "magic face"?
If not, these are how it looks like...they come in different colors, yellow, red, blue and green. and in its body were painted with smiling faces.
Fania my 5yr old daughter is so addicted to this, she's been buying and collecting these for 4 days now, which i only found out a while ago.
when i first saw it she and her ate's were playing and squeezing them hard that makes the smiley faces distorts and have a much funnier looks and shapes.
First thing that comes my mind is that it might be another china-made toys that maybe a carrier of some sort of disease and viruses (pero deep inside me naaliw ako sa itsura nun!). The children of course defended their toys that it is safe daw and they are washing their hands after playing with it. (so barado ang sermon ko) I thought of another sermon...i told them that they're just wasting their money on buying those stuffs..(medyo higher voice na un ha..) they simply answer.."daddy, 2 pesos lang isa nito at kinuha namin yung mga 25cents mong coins na nakakalat lang sa ibabaw ng cabinet mo"...(so wala nako nasabi, itinatapon ko nga lang naman yung mga beyntsinko na yun dun).
I let the children played with it nalang but told them to wash everytime they played with it coz we don't know what kind of material and object it is....not until makarinig ako ng sermon ni bevang sa loob ng kwarto kanina and a loud cry of Fania.
I went to our room to ask why, but theres no words came out my mouth when i got in...the reason why?.....
its because i saw our bed with scattered white powder on top of it with those smiling stuffs popped!
Nasagot na agad ang dapat sana itatanong ko...Bevang, mad about what fania did in our bed, and Fania crying over those popped magic faces......na gawa lang pala sa GAW-GAW na isinupot sa MALIIT NA LOBO.

Tuesday, April 28, 2009

Frog Prince? Eeeeeew!

last sunday i slept early..about 12midnyt siguro (yeah that was so early for me who usually sleeps at 3-4am), but around 2am, my daughter mumay and my niece hannah woke me up as if they were so frightened on something, so i hurriedly stand up from bed to only learned that a small frog (about 2 inches in diameter) was trapped inside our house beside the computer table where they are chatting.

those small frogs are one of the eeewest creature for me, but since i have no one to rely on to let that high jumping frog out in our house, i have no choice but to shoo that frog off, i got the "walis tambo" to stop him from jumping sana, but in a matter of 3seconds while getting the walis, bigla syang "naglahong parang bula" as they say...

we've almost moved upside down the whole house but we never saw that frog anymore...the next day around 2-3am while chatting with a friend, i saw an image of frog in my peripheral view and when i turned on my left, voila! its that same frog again as if watching me while chatting....this time i made sure that my eyes are watching his moves while getting the walis again, and thanks god! di nya ako pinahirapan na palabasin sya sa house.

but the story doesn't end there, last night when my wife went to our room minutes after we arrived from work, we were again greeted by that same frog while it was sitting on my wife's bedroom slipper beside our bed, this made our house so noisy last night, that everybody is jumping and screaming while i was guiding that fuckin' frog from our room passing the computer's area going to the sala and out to our main door...the main reason of them screaming is actually because of the sound that the frog produces while going out, as if it was talking and shouting also, in a deep man's voice...my daughter asked..daddy isn't it a real prince kaya?.....sige try nyo i-kiss!

Tuesday, April 7, 2009

eyebags ni mayk or mayk ni eyebags?


Sabi nila ang pagtulog daw ay isang pagrerelax ng katawan, isipan at pagpikit ng mata...ang sarap ng pakiramadam pag-gising!

Matagal na panahon ko na ng huling maranasan ang mahabang pagtulog, yung marerelax ang katawan at isipan mo, yung nakapikit lang mata mo atleast 8-10 hours a day...pangarap ko yun, pero wag kayo magdu-dudang nagda-drugs ako ha! Sa drug tests ko puro diatabs at immodium lang lumalabas...

Ang hirap pala ng insomniac, gusto mo ng matulog pero di ka naman makatulog, kahit busy ka o walang ginagawang trabaho ganun pa rin, ang pressure sa akin kasi, yung nakikita mong nagliliwanag na at gising ka pa...the worst part kailangan mong gumising din ng maaga in preparation sa pagpasok sa opisina...kaya ayun sa tanghali, lugmok sa ibabaw ng lamesa sa opis...kakainggit yung kasabihan "kain ng kain, payat! tulog ng tulog, puyat!", lahat yun kabaliktaran ko kasi e, kain ng kain, tumataba, walang tulog, puyat!

Ano pa nga ba gagawin ko? E di humanap ng mapaglilibangan...tulad nitong blog, kaya ako nandito ngayon, kasi nga puyat ng puyat, e di magsulat! Hindi naman halata sa katawan ko ang mga taon ng pagpu-puyat na pinagdadaanan ko e....

.....pero sa mata ko sabi nila eyebags daw ako na tinubuan ng mayk. :)

Ano nauna, eyebags o si mayk? hahaha!

Monday, April 6, 2009

Long lost FY...

Si Marlon Villegas......

Ganda ng name noh? Madaming hindi nakakakilala sa kanya noong college kami pag tunay na pangalan ang ginagamit nya, pero subukan mong sabihing si "FY", lahat halos dun kilala sya.

"FY"- madaming meaning ang ikinakabit nila sa pangalan na yun, syempre #1 na dun ang "Fuck You", which is bagay naman diba?... pero ang totoo nakuha nya yun kay Mel Gibson, sa title ng movie nya noong 1992 FOREVER YOUNG. ...ewan ko ba at naging favorite nya yun at nakatawagan nalang syang FY ng lahat.

Si FY bago ko pa nakilala ay nakikita ko na yang pakalat-kalat sa school grounds, tahimik na tao at palabasa, loner ika nga, pero wag ka, ang porma nya dati PUNKS! Ang labo kung tutuusin ng pagkatao nito e, makapal ang salamin, nerd ang itsura, tahimik, walang bisyo, di nagyoyosi, di rin umiinom pero punk daw sya! Ang org niya dati SND (students for national democracy) at napag-alaman kong ED (educational discussion) Officer sya noon dun o yung mga nagtuturo ng mga pag-aaral tungkol sa demokrasya at lipunan...aba e malalim pala talaga itong taong ito! Bigla nalang isang araw nalaman kong lutang nalang sa org nila, may mga pagtatalo daw na hindi sila nagkasundo sundo sa SND nila. Ayun mukhang tanga nalang na pakalat-kalat sa labas ng Unyon ng Mag-aaral bldg...

ako naman, halos pareho ng kaso sa kanya, may mga bagay din na hindi napapagkasunduan noon sa org namin kaya bumaklas kami at bumuo ng bagong org....madaming pumuna at bumatikos sa bagong organisasyong iyon pero sa bandang huli, nagwagi kami, dumami ang mga myembro at namobilisa din namin sila, at kaya ko isiningit yung tungkol sa aking org kasi dun din ang pinatunguhan ni FY, gusto nya dating sumali sa grupo namin, matagal ko din pinag-isipan kung tatanggapin siya, sa huli wala din ako nagawa sumali na e (hehehe) pero sa totoo lang ayoko sana talaga kasi nga branded na kaming mga breakaway groups sumama pa sya at iba pang nilalang tulad nila Brian atbp.

unti-unti nakonsolida ko din naman sila at akalain mong lumabas ang mga tunay na kulay, ang dating tahimik at mahiyaing FY ay nahawa ata sa mga kasama ko, naging makulit, pilosopo at malibog din pala! pero sa kabila noon ay nanatiling malalim at pala-aral naman sya hanggang makapagtapos ng kursong MassCom/BS Journalism. kasama namin sya sa mga pagkilos, propaganda, mobilisasyon hanggang sa dumating din ang panahon na kelangan namin maghiwahiwalay at mamuhay ng kanya-kanya. Malalim ang mga pinagsamahan namin sa hirap at dusa sa "cheesebread" at "hopia" kasama ng mga "mismo" juice at sabaw sa matiang, pagkain ng guising-guising, music ng porkchop duo, panliligaw at pangbabanlaw....napakalalim...

.....8 years later mula noong huling magkitakita kami...may tumawag sa office namin nagpakilalang tita daw sya ni marlon at ipinahahanap niya daw ako...nakakatakot paniwalaan yung babae kasi out of nowhere biglang tatawag at gustong makipagkita, malubha daw kasi si marlon, tagal din bago ako nakumbinsi na makipagkita at puntahan si FY sa ospital...ang dating masiglahin at makulit na FY nang makita ko bedridden na at halos di makagalaw ang mga paa, payat na payat at ang trade mark nga pala nya ay napakahahaba ng kuko na andun pa rin sa mga daliri, naluha ako kasi di ko inaasahang ganon ko sya makikita, pero nakita ko din ang sigla nya nung makita nya ko, kaya nangako akong bubuoin ang tropa para pasyalan sya. Agad kong hinanap ang tropa at pinuntahan sya na sya ding ikinasigla nya talaga, nagpatak-patak din ng tulong at pagkatapos ay naging busy na ulit ang lahat...nawalan kami ng kontak sa tita nyang may celfone, wala na din sya sa ospital, di namin alam ang bahay nila...almost 2years puro haka-haka kung buhay pa ba sya o ano?...walang makasagot.

....almost two years na panghuhula sa kalagayan nya, may isang kaibigang nakapagsabi kay Randy (isa ring kasama namin) na buhay pa si FY at naituro ang bahay...agad-agad tinungo namin ang maliit at nakakatakot na lugar nila sa Tondo, makikitid na eskinita na puro mamang maraming tattoo ang nakatambay at parang any moment ay handang gumulpi o pumatay pag nasagi mo sa paglalakad. Halos pikit-mata namin pinasok ang eskinita nilang yun na para bang di na kami makakalabas, pero sa kagustuhan naming makita si FY nagpatuloy nalang kami...at presto! Narating namin ang munting bahay nila FY, tatlo lang daw pwedeng bumisita kaya kasama ko si Brian at Randy lang, tama, 3 lang ang pwede dahil siksikan na kami sa loob ng lagay na yun, pero ang pinaka-maganda dun BUHAY SI FY! Mas maganda pa nga ang katawan nya ngayon kumpara noong college kami, malinis ang mga kukong maiiksi at pati ang buhok ay maiksi na din. ang tanging kulang nalang ay makalakad sya...hindi sya paralisado, gumagalaw ang lahat ng parte nya.. (tumitigas pa din daw ang etits nya) pero mahina ang mga ugat nya sa mga dulo ng daliri lalo na sa paa, normal ang backbone at spine nya.

walang gamot ang case nya na hindi ko maalala ang scientific churvang tawag, basta ang kailangan nya ngayon ay therapy...continuos therapy na hindi nila kayang gawin dahil na rin sa kakapusan ng budget...

eto ngayon ang purpose ng mahabang kwento ko....
tulungan natin si FY in any ways...financial, moral (na bumaba naman talaga) at kung kailangan nyo ng writer, conceptualizer etc , si Marlon "FY" Villegas po ay graduate ng BS Journalism at nakapag MASTERAL din po sya. Madami na syang nasulat na mga akda at may mga certificate ng Palanca Awards, may ilan na ding ninakaw na akda nya at bigla nalang lumabas sa tv sa pangalan ng iba, at kung ano-ano pa. Di po sya nakakalakd sa ngayon pero normal ang isip at mga kamay nya para makapagsulat pa, at ako mismo naniniwalang konting panahon pa, si FY di lang maglalakad, tatakbo pa...sa tulong nating lahat.... :)

Saturday, April 4, 2009

Haaaay Buhaaay!...

Eto ang madalas kong itanong sa sarili ko ngayon...ano nga ba ang "buhay"?

Sabi ng iba depende daw sa purpose at significance mo dito sa mundo...
e ano nga purpose ko dito, may makakasagot ba?....

Dati para sa akin simple lang ang buhay, ipapanganak ka, pakakainin, pag-aaralin at pagkatapos magtatrabaho at magkakaroon ng sariling pamilya...what's next?...uulitin mo nanaman ang cycle at hihintayin mong mamatay ka nalang... yan ang realidad ng buhay...

Pero sa gitna ng lahat ng cycle na yun may iba't iba tayong pinatutunguhan at pinagdadaanan, may masaya, may malungkot, may mahirap at may madali...
Ako, lahat yata napagdaanan ko, namulat ako sa simpleng buhay noon, may simpleng pangarap. masasabi kong isa akong masigasig na estudyante noon, seminar dito seminar doon, kung anu-anong leadership chuchu ang inatendan hanggang sa maramdaman ko nalang yung tinatawag na God's call daw, bigla akong nag seminaryo, pero dahil na rin sa pag-ayaw ng magulang ko at mga lolo at lola, napilitan akong lumabas at mamuhay ng ordinaryo...pero ordinaryo ba ang mapasok naman sa isang lihim na kilusan at ipaglaban ang bayan at batikusin ang pamahalaan kasama ng mga mapagsamantalang uri? Wala akong kinatatakutan noon... pulis, militar, swat...lahat sila nalampasan ko na, nagsulat sa mga pader at nambato ng pinturang pula sa mga embassy, nakipag gitgitan sa rally at namundok kasama ng mga kadre.

Lahat yun hindi ko plinano, biglaan ang lahat pero talagang sineryoso ko, ang sarap ng pakiramdam noon kung ang buhay mo ay ibubuhos sa pakikibaka, magsilbi sa masa at pag-aalay ng buhay kahit ang kapalit ay pagkamatay...madami rin sa mga kakilala ko ang nalagas noon pero hindi ako natinag..patuloy sa pakikibaka hanggang sa maipanalo ang laban.....pero sa gitna ng lahat nng iyon nagkaroon ako ng anak....
Ganon pala yun, sa isang iglap nabago lahat plano ko sa buhay, di man nagbago ang pananaw at ideolohiya ko pero kailangan ko pala tutukan ang pamilya ko..nagkaroon ako bigla ng takot sa lahat ng bagay...bumalik ako bigla sa regular routine ng buhay..kailangan mag-aral, magtapos at maghanapbuhay...haaaay buhay pinilit kong umiba ng landas pero dun pa rin pala ang punta ko. Madaming beses akong lumihis sa traditional cycle pero patuloy pa rin akong bumabalik doon...

Eto ba talaga ang sinasabing life cycle, kahit ano patunguhan mo magmi-meet pa rin pala sa bandang dulo...at kung dating wala akong kinatatakutan, ngayon ayoko munang umabot sa ending ng buhay....ang kamatayan!...Nitong mga nagdaang araw at buwan, ilang kaibigan at kakilala ko ang nasaksihan ko ang pagtungo sa ending...parang napaka-aga nilang tinungo yun...at di ko alam kung nalaman kaya nila ang mga purpose at significance nila dito sa mundo bago sila lumisan?...ako natatakot akong marating ang ending ko, hanggang sa ngayon hindi ko pa alam ang tunay na papel ko... kung nagagampanan ko na ba o hindi pa...haaaayyy...hanggang dito nalang muna ang pagsusulat ko, pero ang buhay ko itutuloy ko pa ha... :)