Tuesday, April 7, 2009
eyebags ni mayk or mayk ni eyebags?
Sabi nila ang pagtulog daw ay isang pagrerelax ng katawan, isipan at pagpikit ng mata...ang sarap ng pakiramadam pag-gising!
Matagal na panahon ko na ng huling maranasan ang mahabang pagtulog, yung marerelax ang katawan at isipan mo, yung nakapikit lang mata mo atleast 8-10 hours a day...pangarap ko yun, pero wag kayo magdu-dudang nagda-drugs ako ha! Sa drug tests ko puro diatabs at immodium lang lumalabas...
Ang hirap pala ng insomniac, gusto mo ng matulog pero di ka naman makatulog, kahit busy ka o walang ginagawang trabaho ganun pa rin, ang pressure sa akin kasi, yung nakikita mong nagliliwanag na at gising ka pa...the worst part kailangan mong gumising din ng maaga in preparation sa pagpasok sa opisina...kaya ayun sa tanghali, lugmok sa ibabaw ng lamesa sa opis...kakainggit yung kasabihan "kain ng kain, payat! tulog ng tulog, puyat!", lahat yun kabaliktaran ko kasi e, kain ng kain, tumataba, walang tulog, puyat!
Ano pa nga ba gagawin ko? E di humanap ng mapaglilibangan...tulad nitong blog, kaya ako nandito ngayon, kasi nga puyat ng puyat, e di magsulat! Hindi naman halata sa katawan ko ang mga taon ng pagpu-puyat na pinagdadaanan ko e....
.....pero sa mata ko sabi nila eyebags daw ako na tinubuan ng mayk. :)
Ano nauna, eyebags o si mayk? hahaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment