Si Marlon Villegas......
Ganda ng name noh? Madaming hindi nakakakilala sa kanya noong college kami pag tunay na pangalan ang ginagamit nya, pero subukan mong sabihing si "FY", lahat halos dun kilala sya.
"FY"- madaming meaning ang ikinakabit nila sa pangalan na yun, syempre #1 na dun ang "Fuck You", which is bagay naman diba?... pero ang totoo nakuha nya yun kay Mel Gibson, sa title ng movie nya noong 1992 FOREVER YOUNG. ...ewan ko ba at naging favorite nya yun at nakatawagan nalang syang FY ng lahat.
Si FY bago ko pa nakilala ay nakikita ko na yang pakalat-kalat sa school grounds, tahimik na tao at palabasa, loner ika nga, pero wag ka, ang porma nya dati PUNKS! Ang labo kung tutuusin ng pagkatao nito e, makapal ang salamin, nerd ang itsura, tahimik, walang bisyo, di nagyoyosi, di rin umiinom pero punk daw sya! Ang org niya dati SND (students for national democracy) at napag-alaman kong ED (educational discussion) Officer sya noon dun o yung mga nagtuturo ng mga pag-aaral tungkol sa demokrasya at lipunan...aba e malalim pala talaga itong taong ito! Bigla nalang isang araw nalaman kong lutang nalang sa org nila, may mga pagtatalo daw na hindi sila nagkasundo sundo sa SND nila. Ayun mukhang tanga nalang na pakalat-kalat sa labas ng Unyon ng Mag-aaral bldg...
ako naman, halos pareho ng kaso sa kanya, may mga bagay din na hindi napapagkasunduan noon sa org namin kaya bumaklas kami at bumuo ng bagong org....madaming pumuna at bumatikos sa bagong organisasyong iyon pero sa bandang huli, nagwagi kami, dumami ang mga myembro at namobilisa din namin sila, at kaya ko isiningit yung tungkol sa aking org kasi dun din ang pinatunguhan ni FY, gusto nya dating sumali sa grupo namin, matagal ko din pinag-isipan kung tatanggapin siya, sa huli wala din ako nagawa sumali na e (hehehe) pero sa totoo lang ayoko sana talaga kasi nga branded na kaming mga breakaway groups sumama pa sya at iba pang nilalang tulad nila Brian atbp.
unti-unti nakonsolida ko din naman sila at akalain mong lumabas ang mga tunay na kulay, ang dating tahimik at mahiyaing FY ay nahawa ata sa mga kasama ko, naging makulit, pilosopo at malibog din pala! pero sa kabila noon ay nanatiling malalim at pala-aral naman sya hanggang makapagtapos ng kursong MassCom/BS Journalism. kasama namin sya sa mga pagkilos, propaganda, mobilisasyon hanggang sa dumating din ang panahon na kelangan namin maghiwahiwalay at mamuhay ng kanya-kanya. Malalim ang mga pinagsamahan namin sa hirap at dusa sa "cheesebread" at "hopia" kasama ng mga "mismo" juice at sabaw sa matiang, pagkain ng guising-guising, music ng porkchop duo, panliligaw at pangbabanlaw....napakalalim...
.....8 years later mula noong huling magkitakita kami...may tumawag sa office namin nagpakilalang tita daw sya ni marlon at ipinahahanap niya daw ako...nakakatakot paniwalaan yung babae kasi out of nowhere biglang tatawag at gustong makipagkita, malubha daw kasi si marlon, tagal din bago ako nakumbinsi na makipagkita at puntahan si FY sa ospital...ang dating masiglahin at makulit na FY nang makita ko bedridden na at halos di makagalaw ang mga paa, payat na payat at ang trade mark nga pala nya ay napakahahaba ng kuko na andun pa rin sa mga daliri, naluha ako kasi di ko inaasahang ganon ko sya makikita, pero nakita ko din ang sigla nya nung makita nya ko, kaya nangako akong bubuoin ang tropa para pasyalan sya. Agad kong hinanap ang tropa at pinuntahan sya na sya ding ikinasigla nya talaga, nagpatak-patak din ng tulong at pagkatapos ay naging busy na ulit ang lahat...nawalan kami ng kontak sa tita nyang may celfone, wala na din sya sa ospital, di namin alam ang bahay nila...almost 2years puro haka-haka kung buhay pa ba sya o ano?...walang makasagot.
....almost two years na panghuhula sa kalagayan nya, may isang kaibigang nakapagsabi kay Randy (isa ring kasama namin) na buhay pa si FY at naituro ang bahay...agad-agad tinungo namin ang maliit at nakakatakot na lugar nila sa Tondo, makikitid na eskinita na puro mamang maraming tattoo ang nakatambay at parang any moment ay handang gumulpi o pumatay pag nasagi mo sa paglalakad. Halos pikit-mata namin pinasok ang eskinita nilang yun na para bang di na kami makakalabas, pero sa kagustuhan naming makita si FY nagpatuloy nalang kami...at presto! Narating namin ang munting bahay nila FY, tatlo lang daw pwedeng bumisita kaya kasama ko si Brian at Randy lang, tama, 3 lang ang pwede dahil siksikan na kami sa loob ng lagay na yun, pero ang pinaka-maganda dun BUHAY SI FY! Mas maganda pa nga ang katawan nya ngayon kumpara noong college kami, malinis ang mga kukong maiiksi at pati ang buhok ay maiksi na din. ang tanging kulang nalang ay makalakad sya...hindi sya paralisado, gumagalaw ang lahat ng parte nya.. (tumitigas pa din daw ang etits nya) pero mahina ang mga ugat nya sa mga dulo ng daliri lalo na sa paa, normal ang backbone at spine nya.
walang gamot ang case nya na hindi ko maalala ang scientific churvang tawag, basta ang kailangan nya ngayon ay therapy...continuos therapy na hindi nila kayang gawin dahil na rin sa kakapusan ng budget...
eto ngayon ang purpose ng mahabang kwento ko....
tulungan natin si FY in any ways...financial, moral (na bumaba naman talaga) at kung kailangan nyo ng writer, conceptualizer etc , si Marlon "FY" Villegas po ay graduate ng BS Journalism at nakapag MASTERAL din po sya. Madami na syang nasulat na mga akda at may mga certificate ng Palanca Awards, may ilan na ding ninakaw na akda nya at bigla nalang lumabas sa tv sa pangalan ng iba, at kung ano-ano pa. Di po sya nakakalakd sa ngayon pero normal ang isip at mga kamay nya para makapagsulat pa, at ako mismo naniniwalang konting panahon pa, si FY di lang maglalakad, tatakbo pa...sa tulong nating lahat.... :)
Monday, April 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ayos! mabuhay si fy
ReplyDelete: )
ReplyDeleteKumusta na po si Kuya FY?
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletesa blog na to ako napadpad dahil sa paghahanap ko ng "Marlon Villegas". tatlong taon na mula ng naisulat ang artikulong ito. palagay ko siya ang parehong Marlon na kaklase ko noong kolehiyo. tugma ang mga detalye tulad ng SND, pisikal na anyo, aktibista, Journalism, atbp. kumusta na si Marlon ngayon? sana gumaling na sa kanyang karamdaman. nais kong magbalik-tanaw sa mga panahong iyon...
ReplyDelete