Saturday, April 4, 2009

Haaaay Buhaaay!...

Eto ang madalas kong itanong sa sarili ko ngayon...ano nga ba ang "buhay"?

Sabi ng iba depende daw sa purpose at significance mo dito sa mundo...
e ano nga purpose ko dito, may makakasagot ba?....

Dati para sa akin simple lang ang buhay, ipapanganak ka, pakakainin, pag-aaralin at pagkatapos magtatrabaho at magkakaroon ng sariling pamilya...what's next?...uulitin mo nanaman ang cycle at hihintayin mong mamatay ka nalang... yan ang realidad ng buhay...

Pero sa gitna ng lahat ng cycle na yun may iba't iba tayong pinatutunguhan at pinagdadaanan, may masaya, may malungkot, may mahirap at may madali...
Ako, lahat yata napagdaanan ko, namulat ako sa simpleng buhay noon, may simpleng pangarap. masasabi kong isa akong masigasig na estudyante noon, seminar dito seminar doon, kung anu-anong leadership chuchu ang inatendan hanggang sa maramdaman ko nalang yung tinatawag na God's call daw, bigla akong nag seminaryo, pero dahil na rin sa pag-ayaw ng magulang ko at mga lolo at lola, napilitan akong lumabas at mamuhay ng ordinaryo...pero ordinaryo ba ang mapasok naman sa isang lihim na kilusan at ipaglaban ang bayan at batikusin ang pamahalaan kasama ng mga mapagsamantalang uri? Wala akong kinatatakutan noon... pulis, militar, swat...lahat sila nalampasan ko na, nagsulat sa mga pader at nambato ng pinturang pula sa mga embassy, nakipag gitgitan sa rally at namundok kasama ng mga kadre.

Lahat yun hindi ko plinano, biglaan ang lahat pero talagang sineryoso ko, ang sarap ng pakiramdam noon kung ang buhay mo ay ibubuhos sa pakikibaka, magsilbi sa masa at pag-aalay ng buhay kahit ang kapalit ay pagkamatay...madami rin sa mga kakilala ko ang nalagas noon pero hindi ako natinag..patuloy sa pakikibaka hanggang sa maipanalo ang laban.....pero sa gitna ng lahat nng iyon nagkaroon ako ng anak....
Ganon pala yun, sa isang iglap nabago lahat plano ko sa buhay, di man nagbago ang pananaw at ideolohiya ko pero kailangan ko pala tutukan ang pamilya ko..nagkaroon ako bigla ng takot sa lahat ng bagay...bumalik ako bigla sa regular routine ng buhay..kailangan mag-aral, magtapos at maghanapbuhay...haaaay buhay pinilit kong umiba ng landas pero dun pa rin pala ang punta ko. Madaming beses akong lumihis sa traditional cycle pero patuloy pa rin akong bumabalik doon...

Eto ba talaga ang sinasabing life cycle, kahit ano patunguhan mo magmi-meet pa rin pala sa bandang dulo...at kung dating wala akong kinatatakutan, ngayon ayoko munang umabot sa ending ng buhay....ang kamatayan!...Nitong mga nagdaang araw at buwan, ilang kaibigan at kakilala ko ang nasaksihan ko ang pagtungo sa ending...parang napaka-aga nilang tinungo yun...at di ko alam kung nalaman kaya nila ang mga purpose at significance nila dito sa mundo bago sila lumisan?...ako natatakot akong marating ang ending ko, hanggang sa ngayon hindi ko pa alam ang tunay na papel ko... kung nagagampanan ko na ba o hindi pa...haaaayyy...hanggang dito nalang muna ang pagsusulat ko, pero ang buhay ko itutuloy ko pa ha... :)

No comments:

Post a Comment